Dung-aw sa Pagpanaw ni Dr. Dennis Tudtud sa Panahon ng Pandemya ng COVID-19

UNA KAMING nagkakilala ni Dr. Dennis Tudtud noong Hunyo 17, 2016 sa Lungsod Cebu. Hindi siya maramot sa ngiti. Nagkapalagayang-loob agad kami. Hindi dahil sa kapuwa kaming mula sa UP at PGH, higit pa roon. Bukod sa naging pangulo ng Philippine Society of Medical Oncology (ang samahan ng mga doktor sa Filipinas para sa mga pangangailangang-medikal ng mga taong may kanser at ng mga taong at-risk sa kanser), alam ko na isang mabuti at magaling na doktor si Dok Dennis. Mahihiwatigan mo sa asta, sa pakikipag-usap, sa pakikipagkamay, sa mga mata, sa mga adbokasiya at idea niya. Walang yabang itong si Dok Dennis kahit naabot na ang rurok ng propesyon sa Medisina, hindi ang salapi o magarang kotse at bahay kundi ang pinakamataas na gantimpala—ang DOXA, salitang Greek para sa pagtingala ng taumbayan sa kaniya. Taon-taon siya sa mga pangunahing kumperensiya ng mga bagong kaalaman sa Medisina at makaseseguro ang mga pasyente na base sa pinakabagong saliksik ang kanilang gamutan. Malikot ang utak ni Dok Dennis, hindi laging mapalagay. Proyekto dito, programa doon. Laging naghahanap ng mga gawain para sa ikabubuti ng mga pasyenteng may kanser. Laging abala sa mga outreach program ng simbahan, ng bayan, ng ospital, at ng medical society na kinabibilangan. Minsan ipinagtataka kong talaga kung saan nagmumula ang enerhiya ng mga doktor katulad ni Dok Dennis na walang kapaguran—araw man o gabi, weekend man o hindi, bakasyon man o regular na mga araw.
Sa una naming pagkikita ay inimbitahan niya akong mananghalian kinabukasan (Sabado) nang makapag-usap nang mas matagal at matikman ko raw ang mga putahe ng Cebu. Treat daw niya. Oo agad ako. Sino ba namang tatanggi sa libre at makasama nang mas matagal si Dok Dennis. Laging may batobalani sa akin ang pakikipag-usap sa matatanda. Bukal sila ng karunungan sa buhay at sa propesyon nilang kinabibilangan. Kaya sobrang eksayted ako na makipaghuntahan kay Dok Dennis. Bukas ang kaniyang isip sa mga bagong karunungan at hindi namumuhay sa nakaraan. Isa sa mga una naming napag-usapan ay ang animation video na likha ng kaniyang anak. Talamak ang endorsement ng mga alternative treatment para sa mga taong may kanser. Karamihan sa mga gamutang ito ay walang aprubal ng FDA. Kaya naman naisipan ni Dok Dennis at ng kaniyang anak na lumikha ng isang educational video para ipaalam sa publiko ang potensiyal na peligro na maidudulot ng mga alternatibong gamutan. Humingi ng komento si Dok Dennis para sa video na siya ko namang tinugunan.
Nabanggit ko din na may ilang kaibigan ako sa Cebu. Isa dito si R. Joseph Dazo na naging cofellow ko sa IYAS Writers Workshop sa Bacolod noong 2016 at naging coeditor ng “Libulan” at awtor ng “Ubang Gabii sa Mango Avenue,” isang koleksiyon ng mga maikling kuwento sa Sugbuanong Binisaya. Isama ko din daw siya sa pananghalian kinabukasan sa Paulito’s.
13428558_10208946731719815_8491235486341102926_n
Puno ng mga putahe ng Cebu ang aming hapag at masaya at magaan ang aming naging kuwentuhan. Parang matagal na kaming magkakakilala at ngayon lang muling nagkita. Napakarami naming napag-usapan hinggil sa Medisina, Cebu, sining, at ilang personal na bagay. Hindi kami makatayo mula sa aming pagkakaupo dahil sa kabusugan at masayang kuwentuhan. Masuwerte kami noong araw na iyon dahil doon din nananghalian ang 2016 Binibining Pilipinas title holders. Kinapalan ko na ang mukha at nagpa-picture kami kasama sina Maxine Medina, ang Miss Universe Philippines 2016, at Nicole Cordoves, ang first runner up ng Miss Grand International 2016. Pinaprint ko ang retratong ito dahil balak kong bigyan ng kopya si Dok Dennis, pero lagi kong nalilimutang dalhin sa Cebu at hindi ko din alam kung magugustuhan ni Dok Dennis. (Hinahanap ko ang printed copy pero hindi ko na mahagilap.) Nang mapababa na namin sa aming bituka ang aming pinananghalian, iniikot kami ni Dok Dennis sa restawran. Mayroon itong koleksiyon ng mga inukit na santo. Walang sulok na walang santo. Nakita ko ang isang piano at tumugtog ng ilang piyesang Bach. Hindi lamang pisikal ang aming tanghalian, espirituwal din.
13495009_10208946734919895_6853232877318861894_n
Kinabukasan, nang nilisan ng gulong ng lulan kong eroplano ang runway ng paliparan ng Mactan at nagsaalapaap at nasa ilalim ng mga ulap ng Cebu, natanaw ko ang mahigit 500 taóng lungsod kung saan dumaong ang barko ni Fernando de Magallanes noong ika-7 ng Abril 1521, dalawampung araw bago siya mamatay sa Kingdom of Mactan (Lungsod Lapu-lapu ngayon), habang nakatanaw din sa akin ang Bundok Busay, sumagi sa isip ko na mapalad ang lungsod na ito sa mga manggagamot katulad ni Dok Dennis. Walang pader ang kaniyang paggagamot—hindi lamang sa klinika o sa ospital kundi naroroon din siyang nakikisalamuha sa simbahan at sa komunidad.
Kaya naman isang biyaya ang makabalik-balik ng Cebu, lungsod na kumakalinga sa at kinakalinga ng mabubuting manggagamot, at makausap nang personal ang mga doktor na katulad ni Dok Dennis. Parang nagbabalik lamang sa danas sa loob ng silid-aralan ng UP Medisina at mga ward ng PGH. Laging may napupulot na aral kung paanong maging magaling na mangggagamot, may pagmamatyagan at paggagayahan ng pakikipagkapuwa-tao at kung paanong maging aktibong mamamayan sa pagsulong ng kalusugan ng bayan.
Kaya maitim na ulap ng kalungkutang bumabalong sa lungsod ang pagkamatay ni Dok Dennis sa COVID-19 habang nagsisilbi sa mga taong may karamdaman, kasama ng kaniyang maybahay na si Dok Helen, at marami pang doktor na katulad ni Dok Dennis. Napakalapit ng kaniyang kamatayan. Parang nasa sariling salas lamang ang lamay. Pumatong ang belong itim sa aking ulunan nang nakarating ang balita. Nagdudung-aw ang aking tinig. Walang mapagpahingahan ang aking panghihinayang. Gusto kong maging magsahangin para hawiin ang dagim. Alam kong hindi ako nag-iisa sa pugad ng pagluluksa. Alam kong sa pagpanaw ni Dok Dennis ay laksa-laksa na ang kaniyang kabutihang naipunla.

Sommarblommor ni John Iremil Teodoro

Umaapaw ng mga dumalo ang lunsad-aklat ng “Sommarblommor” (UST Publishing House, 2019) ni John Iremil Teodoro sa Solidaridad Bookshop sa Ermita sa tulong ng PEN International at UST Publishing House. Kinaray-a ang wika sa orihinal ng mga tula at may salin ng awtor sa Filipino at salin sa Ingles ni Alice Sun-Cua. Mayabong ang naging talakayan hinggil sa pagtula at wika sa pagtula’t pagsasalin. Ilan sa mga ito ay ang talakay sa “Visayan-laced Filipino” ni Leoncio Derriada o “Filipinong may timplang Bisaya” ni Virgilio Almario at kung bakit sumusulat ng tula na sinagot naman ng awtor na ang pagsusulat ay isang pangangailangang dapat matugunan upang maisiwalat ang saloobin at nararamdaman.

Una kong nakilala si Sir John sa Iyas National Writing Workshop noong 2016 sa Lungsod Bacolod. Pagkatapos, naging propesor ko siya sa Poetry Workshop at Professional Editing sa La Salle para sa aking masterado. Ngayon naman, kasama ko siya sa UMPIL, ako bilang isa sa mga board member at siya bilang Secretary General. Masasabi kong magkaibigan na kami ngayon at di lamang basta propesor-estudyante sa La Salle at magkatrabaho sa UMPIL ang turingan. Minsan ko na rin siyang pinahiram ng mga libro ng tula ng hinahangaang doktor-makatang Rafael Campo. Kumokonsulta din paminsan hinggil sa mga katanungang medikal.

IMG_2521

Isa ako sa mga tagahanga ng mga tula ni Sir John at isa sa mga paborito kong tula niya ay iyong tungkol sa Marawi (wala itong pamagat). Ipinost niya ito sa Facebook noong 2017, kasagsagan ng Marawi siege.  Kung paanong ang takot para sa isang lungsod at mga mamamayan nito ay “sa aking isipan parang / punit-punit na sarong.” Kung kaya’t hikayat ng persona sa kaniyang iniibig sa tula na “[h]alika, ipagdasal natin / ang Marawi.” Gustong-gusto ko ang atake ng mga tula niya dahil laging napakalapit ng persona sa mga tinutulaan, minsan may libog, erotiko, tenga-sa-dibdib, labi-sa-labi, at pawang pabulong kung kaya’t napakalapit ng tainga sa labi ng nagbubulungan. Kung paanong ang trahedya ng isang komunidad ay isang trahedya din ng magsing-irog. At ang pagdarasal ay di lamang pribado o pangmisa kundi gawaing pandalawahan din tulad ng magsing-irog. Madalas ganito ang mga tula ni Sir John. Napakatotoo niya kung kaya naman napakadaling sabihin kung ano ang pakiramdam niya sa araw na ito o iyon, basahin mo lamang ang mga tula niya nung araw na iyon. Kumpesyonal. Hindi naman bago ang confessional poetry tulad ng mga tula nina Sylvia Plath at Anne Sexton pero nakaaaliw na kaya ni Sir John magpakatotoo sa mga tula.

Pagkatapos kong makapagpaotograp ng libro kay Sir John, dumeretso ako sa Café Esso para basahin na ang mga tula. Lalong pinaeksayt ako ng Panimula ng makata. Binigyang-konteksto nito kung bakit siya nasa Sweden—bilang pangakong pagbisita niya at ng kanilang Tita Neneng dahil kinuha na si Juliet (pamangking ipinaalaga muna sa kanila ng kapatid niyang nauna sa Sweden). Ngunit hindi na ito natupad para sa kanilang Tita Neneng na pinaiikli ang buhay ng kanser sa atay. Kaya mag-isang lumipad pa-Europa si Sir John noong Hunyo 2016 at lumagi doon hanggang Agosto, higit isang buwang bakasyon at pagsusulat na din.

Nang binasa ko ang “Sommarblommor”, hinanap ko sa mga tula ang mga pagtatapat ng homoerotikong nasa (desire). Hindi naman laging tawag ng laman ang nasa. Mahihiwatigan ito sa pinakapaborito kong tula niya sa koleksiyon, Sinulat sa Tabi ng Lawa Lenhovda—“Hindi lahat ng pagmamahal kailangang / maramdaman palagi ng iyong balat, marinig / ng tainga, malasahan ng dila, maamoy / ng ilong, at makita ng mata.” Maraming pagsasakatuparan ng nasa. Wika nga niya, “[i]ba-iba ang kulay / ng pagpalangga.” Ngunit aminin man natin at hindi, pangunahin pa rin sa nasa ang pagramdam—ang visual, aural, tactile, gustatory, at olfactory.

Ito ang mga nakalap kong may homoerotikong nasa sa koleksiyon. At marami sa mga tulang ito ang paborito ko sa koleksiyon. Sa Bluberi, habang naghahanap ng bluberi sa gubat ng mga pine tree sa Lenhovda, “may iniisip” ang persona na “isang / guwapong bampira.” Sa Smultron, “Dalawang maliit na mga ilahas na istroberi / ang aking mga utong ngayong bukang-liwayway” at “[a]akyatin mo ako, tatapakan mo / ang mga bulaklak ng iyong pagmamahal. / Hahanapin mo ang maliliit na istroberi / na sa iyong dila hindi na mga ilahas.” Sa tulang Sa Lubeck, “Nang dumaan ako, / kumindat ang pagkapula ng kumikinang / na mga istroberi sa mesa. / Tumigil ako at tiningnan / ang nagtitinda. Guwapo / na Syrian na nakadyaket / ng pula.” Sa Naligaw sa Praga, “[p]inanood ko ang mga lalaking dumadaan / sa aking harapan. Iba-iba  ang hugis, kulay, / tangkad, at laki nila. Bigla kong naalala / ang mga lalaki ng Praga sa binili kong / payreted ma M2M sa labas ng simbahan / ng Quiapo. Bigla akong nilagnat at naalala / ang larawan ni Kafka noong ito’y / binatilyo pa. Sa Sa Guwapong Weyter ng Zuliani Aparthotel, “[k]agabi pa ako kinikilig sa ‘yo / nang pagsilbihan mo ako ng rose wine / sa hardin sa labas. Kung ngumiti ka kasi / parang guwapo kang bersiyon / ni Josh Groban.”  Sa Sinulat sa Parke ng Thielska Galleriet, “may estatwa ng lalaki / na nag-iisa. Hubad siya at nakatungo / dahil sa lungkot. Parang masarap yakapin ang likod niya.”

Matalas ang pandama ni Sir John lalo na ang kaniyang mga mata. Dahil kaya niyang isiwalat ang nararamdaman ng pandama ng persona—pangunahin ang nasasaksihan ng mga mata—mas nagiging malapit ang tula sa mambabasa. Totoo at raw ang persona kaya totoo at raw ang danas sa tula ng mambabasa. At ang interpretasyon sa tula ay nasang sisibol sa handurawan ng mambabasa. Kung danas ngang tunay ni Sir John ang mga danas sa tula, nakatulong ang nasa para maging matagumpay ang paglalarawan ng mga tauhan (lalaki) at tagpo at mas nagiging malinaw ang emosyon sa tula. Landi kung landi. Lungkot kung lungkot. Libog kung libog. Pag-ibig kung pag-ibig. Hindi naman homoerotiko ang koleksiyon pagkat marami ring tula na nakaangkla sa pamilya, sa kaibigan, at sa mga hinahangaang makata tulad nina Cirilo Bautista at Wyslawa Symborska.

Kapwa nakaiinggit at nakamamangha kung gaano at paanong kabilis magsulat ng tula ni Sir John habang naglalakbay sa Europa. Imadyin, isang buwan ay nakasulat siya ng isang koleksiyon ng mga tula. Nakatatlong balik na ako sa Europa at nakabisita na din sa puntod ni Symborska sa Krakow tulad ni Sir John ngunit wala akong koleksiyon ng mga tulang isinulat sa Europa. Marahil kailangan kong sundan ang kaniyang nilakbay na ruta o magkaroon din ng Sirenahaus. May dahilan ngang propesor ko siya sa masterado at marami pa akong matututuhan sa kaniya hinggil sa malikhaing pagsulat ng tula—ang disiplina ng salita, panahon, at nasa.

Padayon at pagbati, Sir John!

Dom

Alas otso y media ng gabi ang usapan namin ni Dom para magkita dito sa Singapore pero nahuli ako ng dating dahil naligaw-ligaw pa ako sa paghahanap ng isang lokal na indie bookstore, ang Booktique sa CityLink Mall. Kaya naman hindi ko matagpo-tagpuan, yun pala e matagal nang nagsara ang Booktique dahil hindi kayang masusteyn ng may-ari ang renta para sa puwesto nito. Kaya ayun isang mataong Starbucks na lamang ang inabutan ko sa dati nitong puwesto. Nakakalungkot na hirap na hirap ang mga namumuhunan para sa paglalathala at pagbebenta ng mga libro sa mga bansa sa Asya, tulad ng Singapore at Filipinas.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi nang magtagpo kami ni Dom sa ION Orchard, isang shopping mall sa sikat na kahabaan ng Orchard Road. Buti na lamang at pinayagan na maagang makalabas ng pinapasukang ospital si Dom. Isang hospital housekeeper si Dom. Magdadalawang taon na siya rito. Tuwing Linggo ang off niya at inimbita niya akong magbarbekyu sa tabingdagat ngayong Linggo. Sa susunod na lang, sagot ko, dahil ngayong Sabado na ang balik ko ng Pinas.

Overseas worker si Dom mulang Vietnam. Lumaki siya sa Vinh, ang pinakamalaking lungsod sa Central Vietnam at nasa 300 kilometro sa Timog ang layo ng Vinh sa Hanoi. Vinh din ang sentro ng ekonomiya at kultura sa bahaging ito ng Vietnam. Bisitahin ko daw dahil tiyak magugustuhan ko ang Vinh kaysa Lungsod Ho Chi Minh, na nadalaw ko noong 2009. Oo ba, sagot ko, lalo’t pag naroroon siya para ilibot ako sa kaniyang lupang kinalakhan.

Hindi mahulugan ng karayom ang ION Orchard sa dami ng tao. Karamihan bagets. Marami ding Filipino. Halos lahat ng mga boutique naka-sale. Black Friday kasi. Kaya naman hirap na hirap kaming maghanap din ng makakainan.

Toast Box lang yung naabutan naming maikli ang pila kaya sinamantala na namin na doon kumain. Umorder si Dom ng kaya toast, isang sikat na agahan at meryenda sa Singapore at Malaysia. Palaman sa tinapay ang kaya na gawa sa asukal, niyog, itlog, pandan, at mantikilya. Isa ang kaya sa mga paborito kong palaman. Hindi yata naintindihan ng kaherang Singaporean ang order ni Dom kaya medyo nagtaas ng boses si Ateng Kahera. Nagmamadali din yata kasi siya. Ako na ang sumagot kay Ateng Kahera, Can you get us two kaya toasts, one hot coffee with milk and one lemon iced tea? Medyo nalerks yata si Ateng Kahera na sumagot ako sa paraang confidently beautiful. Medyo bumait si Ateng Kahera mula noon. Samantala, nagpumilit naman si Dom na libre na daw niya ang gabing ito. Ay sabi ko, wag na, at ako na. Pero sa huli nagtagumpay pa din si Dom.

Nakakuha agad kami ng mauupuan sa restawran at habang naghihintay ng order namin, nagpaalam muna si Dom para bumili ng pizza. Mukha yata akong gutom na gutom at gusto niya akong mabusog. Eniwey, mabilis naming naubos ang kaya toast at pizza. Gutom nga yata talaga kaming dalawa. Agad kaming lumabas ng mall dahil parang puputok na lobo na ang mall sa sobrang dami ng tao. Mainam ding lumabas para sa mas preskong hangin sa Orchard Road.

Maraming street artist at street performer sa sidewalk ng Orchard. May musikero. May living statue. May Bumblebee para papiktyuran. Buhay na buhay ang Orchard kahit gabi. Kumukutitap ang mga krismaslayt. Magpa-Pasko na talaga. Malamig na din ang simoy ng hangin. Masarap maglakad-lakad. Nang may kalayuan na din ang nalakad namin, naghanap kami ng mauupuang restawran. Puro puno at may waitlist bago makaupo, kaya bumili na lang kami ng Heineken at umupo sa malapit na parke sa lilim ng ilaw at puno. Parang di maubos ang mga kuwentuhan namin tungkol sa buhay-buhay, sa mga nalakbay at pinapangarap na mabisitang mga bansa, lokal na kultura at iba pa.

Biniro ko siya na nakuha na niya ang “lah” ng mga Singaporean. Oo nga raw dahil araw-araw niyang kausap ang mga Singaporean kaya natuto na siya ng Singglish. Nagbigay pa siya ng mga halimbawa ng Singglish. Natuwa ako kasi malay siya sa wikang ito kahit magdadalawang taon pa lamang siya sa dito. Mula at iba na sa wikang Ingles ang Singlish. Isa itong wikang creole na base sa Ingles na may halo-halong salita mula sa mga wikang Malay, Mandarin, at Hokkien. Isa itong uri ng natibisasyon (nativization) ng dayuhang wika. Isang paglikha at pag-ari ng bagong wika mula sa dayuhang wika. Samantala, maraming Pinoy ang manghang-mangha at gaya nang gaya sa punto (accent) at Ingles ng mga Amerikano. Pero ang totoo ay katanggap-tanggap naman ang punto ng mga Filipino na di sumusunod sa “pulidong” English accent at maling matahin ng mga naggagaling-galingan.

Tinanong ko si Dom kung marunong ba siyang mag-French. Isa kasi ang Vietnam sa tatlong pinakamalaking komunidad ng mga Francophone sa Asya kasama ang Laos at Cambodia. Minsang naging opisyal na wika ng Vietnam ang French mula nang maging kolonya ng France ito hanggang lumaya ang Vietnam noong 1954 pagkatapos ng Kumperensiya sa Geneva. Hindi daw marunong mag-French si Dom at kaunti na lamang ang marunong ng French sa bansa nila.

Ewan ko ba at bakit kung saan-saan na napunta ang usapan namin. Marahil sumipa ang alkohol ng Heineken. Nabasag lamang ang huntahan nang biglang may dumapong ipot ng kung-anong ibon sa pantalon ko. Nakakaloka. Panira ng moment. Nagtawanan na lang kami at nagpasalamat na hindi sa mukha ko dumapo ang hulog-ng-langit.

Kapuwa marami pa sana kaming nais ikuwento sa isa’t isa ngunit tila nagmamadali ang gabi. At bago iwan si Dom ng huling tren pauwi, nangako kami sa isa’t isa na magkikitang muli.

28 Nobyembre 2018

 

Not Alone with Multiple Sclerosis

After enjoying my coffee, I drove early today to St. Luke’s Medical Center.

I was invited to attend a lay forum on multiple sclerosis, a rare autoimmune  neurological disease in a tropical country like the Philippines.

To be honest, I haven’t seen one confirmed case of multiple sclerosis since med school and even during residency in internal medicine in PGH. I rotated in neurology but I got the usual cases–strokes, brain tumors, epilepsy, and brain infections.

But today was different. The lay forum was attended by doctors, caregivers, advocates, and patients living with multiple sclerosis. There were fifteen patients with the disease present during the forum, some on wheelchairs, some with canes, others without any mobility aid.

The auditorium was wide enough to accommodate the nearly 100 attendees. A renowned medical expert in multiple sclerosis welcomed everyone. Lectures were delivered by healthcare professionals from different disciplines–a neurologist lectured on the basics of multiple sclerosis (including its prevalence in the country, the risk factors for the disease, the types of multiple sclerosis, and its protean symptoms); a clinical nutritionist informed on a healthy diet and issues of having difficulties in swallowing; a pain specialist described the different types of pain and the options to manage them; and and lastly another neurologist advised on stress and coping management.

After the lectures, some patients shared their stories. Each story was different and was devastating at the onset. Somehow during the course of the disease, each of them managed to find hope and healing. Some realized their new-found purpose. A similarity among their journeys was a strong support system from their own homes, their workplaces, their schools, and their hometowns.

Imagine, one day you suddenly woke up blind in one eye. Or paralyzed from the waist down. Or worse from the neck down to the tips of your toes. These were stories on life-changing alterations in/of the body. Some eventually lost control over their peeing and pooping requiring them to wear adult diapers 24/7. Some lost their selves to depression. Who wouldn’t be depressed in such harrowing loss of basic functions of the body? I wouldn’t be surprised if a patient suddenly stopped seeing their doctor. But the patients and their caregivers who were at the lay forum kept themselves together and stronger. Permanently surrendering to the disease and its complications was not an option. They  managed to follow their passions and purpose. They knew that fighting this disease was not just about them but their families and their small organization of fellow patients living with this uninvited disease.

I held back my tears to many of the stories, especially when two caregivers spoke in behalf of their loved ones. One was a caregiver, a teacher by profession, but decided to take care a woman with multiple sclerosis. The caregiver described herself as being “the hands and feet” of her patient. The patient was quadriplegic and was bound to a wheelchair. Gratitude was both ways for the caregiver and the patient. The caregiver found a second mother in her patient. Another caregiver was a spouse of a patient. A public school teacher, he found himself not just fighting for his wife’s health but also for the others who have been struggling with the disease. He promised to partake in the patient group’s advocacy to educate the public and to call for government support to patients living with multiple sclerosis.

Patients came to this lay forum from as far as the Bicol province. I would assume they might be sleepy or tired from the early morning ride to arrive at the forum before 8 am. But I could only see each of them charged anew with the glow of energy for life, love, and healing. This forum was a celebration and a confirmation to something hopeful.

The last person who spoke about her disease has been living with the disease for the past fourteen years. Her voice was strong and determined, clear and uncompromising. Now, it’s not a surprise how she won and has been winning over multiple sclerosis.

She has not been alone.

REPOST: Pag-alaala kay Papa (20 Mar 1956 – 3 Mar 1997)

Minsan nang naligáw sa Lungsod Baguio. Tatlong taóng gulang daw ako noon. Isináma ako ng aking ama sa kanilang taunang class field trip. Suroy-suroy sa Mines View, The Mansion, Grotto, Camp John Hay, atbp. At nang sa Burnham Park na, saglit akong ipinagkatiwala sa isang estudyante ng aking ama. At ayun na nga, nawaglit ako ng kaawa-awang estudyante.

Hinanap akong parang nawawalang kapares ng hikaw. Inikot-ikot ang paligid ng lawa. Sinipat-sipat ang mga nagpapaandar at nakaangkas sa mga bisikleta. Ipinagtanong-tanong sa mga turista, sa mga nagpaparenta ng mga bangka, at sa mga nagbebenta ng istroberi.

Malamáng tagaktak ang pawis ng mga naghahanap.

At marahil parang diwatang sumulpot ako sa kanilang balintataw: naglalakad daw akong parang alam na alam ang pupuntahan, walang bahid ng balisa sa pagkaligáw, at natutuwa sa ingay at kulay na likha ng parke.

Madalas at lalong-lalo na ngayong nása Burnham Park muli at tigulang na, pílit kong inaalala ang yapos ng aking ama at ang hawakan ng aming mga kamay nang muling nagkita sa parke. Gayumpaman, wala akong maalala. Musmos pa ngang marahil ang aking gunita.

6 Enero 2019

 

 

 

 

 

Just Another Saturday

I did a lot of sleeping today.

I woke up past 10 in the morning. I craved for pancakes from McDo but I was already late for its breakfast menu. Too lazy to go out, I managed to fill my stomach with unhealthy snacks–sour cream and onion potato chips and Coke zero. Well, at least there’s onion in it and the drink’s zero-calorie.

I wanted brewed coffee. But the coffeemaker needed washing. There was no water in the faucet. Goodbye brewed coffee.

I sat on the couch and turned on season 7 of Orange is the New Black on Netflix. After three episodes, I dozed off.

A doorbell woke me. It was past 3 pm. It was my cousin Mean who stayed in a hotel last night with her workmates after their company ball in Makati. I was forced to stand up again and realized I scheduled a meeting today with Prof. Marj Evasco at DLSU.

So I took the bath with one pail of water. Too bad water runs thru the pipes only from 6 to 9, am or pm. Water crisis in this part of Manila. Imagine living in an expensive condo only to find out that no water runs through it 18 hours of the day.

Thank God for that one pail of water, my oasis in this condo-desert.

I met Prof. Marj at the faculty room and delivered to her gift copies of our interview book “Bulawan: an interview of Filipino medical oncologists.” She saw it in my Instagram posts and asked me if she buy copies. The book was not for sale but I told her I could get her a few copies. Prof John Iremil Teodoro was also interested in the book so I gave him the extra copy for the university library. I could come back with an extra copy for the library anyway. Both of my professors were happy that we came out with this book. They agreed that what we (my coeditors included) were doing was important not only in the writing of history of medicine in the country but also our efforts to come out with a book that attempts to be literary.

To be honest, I would love the interview book to ask more personal and out-of-the-box questions to the cancer doctors. Their moments of happiness, despair, hope, fear, and courage. But for the occasion and celebration of a medical society’s golden anniversary, the book is beautiful enough, and perhaps more, as some medical oncologists told me they loved and appreciated this piece of art and history. It was made from hard work both from the interviewing team, the art designer, the cover artists, and the editors. That permeated an essence through the pages to the (target) reader.

Sir John promised to write a book review. I was elated to his unexpected promise. I now wait in hope that the review would be positive.

Prof. Marj had to rush to National Book Award ceremony so we had to bid our goodbyes. She also returned to me my copy of Rita Charon’s Narrative Medicine. She used it for her first Pathography class. I would now be using it for my thesis proposal defense.

I heard my stomach complain. I crossed the busy Taft Avenue and headed for a brewed coffee at Starbucks. A piece of cake wouldn’t hurt my weight so I grabbed a fork.

I read in silence the last 30 pages of Laura Kipnis’s “Bound and Gagged.”

I arrived at the condo sometime between 6 pm and 9 pm.

Water came out of the faucet.

 

 

 

 

UP Writers Night 2019

I almost didn’t go. Waze estimated the drive: two boring hours from my office in BGC to College of Fine Arts in UP Diliman. The Librong LIRA books (which needed selling at the writers night) were with me so I had no choice but to go.

I braved EDSA. It was a stagnant canal, and cars including mine were mosquito larvae squirming in it. Believe it or not, I arrived at my destination.

The night was beautiful. There were two events: the writers night and an art exhibit. The art show featured works on local drug war and extrajudicial killings. Paintings and sculpture were fearless as their artists. The works exposed gloom, desperation, angst. These were also where hope is hoped to spring. Affective towards collective action, an art show collective like this perhaps to start with. The writers night was overflowing with new and familiar faces in the literary scene. Friends and strangers. I could feel the celebration. Books born 2019, thanks to their writers and UP Press, readers may consume them for pleasure or otherwise.

With the help of LIRA members, I set up the Librong LIRA booth for our merchandise: the “LILA” anthology (a collection of poems by women of LIRA), “Ibig” (LIRA member Joey Baquiran’s selected and new poems), “Sa Ilalim ng Pilik” (a collection of poems by LIRA member Tuvilla), “Lirang Pilak” (the silver anniversary anthology of LIRA), and a few books (self)-published by other presses such as Kid Orit’s zine “Para kay Papa P” which included his winning works from Maningning Miclat Poetry Awards in 2017, my edited book “From the Eyes of a Healer,” an anthology of medical anecdotes, and “The Asian Best Asian Short Stories of 2019” which included fiction by LIRA member Joel Donato Jacob or Cupkeyk, his nickname for people close to him. Cupkeyk manned the booth with his cute boyfriend. We managed to sell a good number of copies.

Food and drinks of course were available.  I skipped it, I heard there were limited plates and utensils. My stomach could skip a dinner. Upon entering the room where the official program was happening, I saw my fellow doctor-writer friends from UP Med, upcoming medical anthropologist Vincen Gregory Yu and pediatric neurosurgeon Ronnie Baticulon. Vincen’s suite of poems was included in “Likhaan 13.” Ron’s CNF book “Some Days You Can’t Save Them All” was also part of the UP Press mass book launch. They are two of the most productive doctor-writers in the Philippines. Ron’s book was beautiful and true, reminiscent of Arturo Rotor’s and Ting Tiongco’s books on their own life as healers navigating in our broken and fractured healthcare system. Ron, Vincen and I made a selfie as a witness to a growing community of doctor-writers in the country. Doctor-writers absent in the picture unfortunately were the poet on-stage and on-page Loaf Fonte, the medical anthropologist and cultural critic Gideon Lasco, the endocrinologist with recently-acquired Bostonian accent and fictionist Marc Gregory Yu, the OB-Gyne and Gawad Balagtas Awardee Alice Sun-Cua, and the oncologist and essayist from General Santos City Noel Pingoy. These were just a sampling of the growing community of doctor-writers in the country. I hope that the day comes when we sit together, enjoy dinner and each other’s interests and company.

My professors from DLSU–Dinah Roma, Gen Asenjo, and John Iremil Teodoro–were there, too. Sir John also launched his book of fiction from UP Press. I would love to get my copy soon.

One of the fun parts of the night was Bebang Siy, a fellow LIRA member. She called every LIRA member present in the launch for an org picture. It was unimaginable to call almost everyone in that peopled and loud room, but her indefatigable energy did. Marne Kilates and Vim Nadera were there. Beth Limpin and Jowie delos Reyes were there. There were others as young as or younger than Cupkeyk and En Villasis (no offense).  It was fun to have that photo especially when a street cat posed in the middle. That shot was adorable. One for the books!

The night was young and everyone was leaving around 10 PM. Party was to continue in a wine bar somewhere in Katipunan but I begged off. It had been a fun Friday night. I went straight home to bed.

I woke up the next day under a vibrant light.